^

Probinsiya

7,300 sundalo ikakalat sa Sinulog Festival

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 7,300 sundalo ang ipakakalat ng AFP-Central Command upang magbigay seguridad sa gaganaping Sinulog Festival sa Cebu City, Cebu sa susunod na linggo.

Ayon kay AFP Centcom Spokesman Lt. Jim Aris Alagao, partikular na tutukan ng security forces ang fluvial at foot procession sa Enero 17 at ang Sinulog Grand Parade sa Enero 18.

Simula pa noong Disyembre ay masusi nang nakikipagkoordinasyon ang Sinulog Foundation, Inc. sa AFP command para sa  pagpapanatili ng peace and order sa nasabing makasaysayang okasyon.

Kabilang sa 7,300 sundalo sa Sinulog Festival ay bubuuin ng dalawang grupo sa ilalim ng Joint Task Group Sinulog.

Inihayag ni Alagao na ang Task Force Unit Sto. Niño ay mangangasiwa sa pagkontrol sa mga deboto sa fluvial procession mula sa Ouano wharf sa Mandaue City patungo sa Pier 1 ng Cebu  City at maging sa prusisyon ng imahe ng Senior Sto. Niño sa Enero 17.

Samantala, ang Task Force Unit Grand Parade naman ang mangangasiwa sa crowd control sa Sinulog Grand Parade may anim na kilometro sa carousel route ng Sinulog Grand Parade sa Enero 18.

Idinagdag pa ng opisyal na bukod sa mga sundalo ay tutulong din sa pangangalaga sa Sinulog Festival ang Reserve Officers Training Corp Cadets.

vuukle comment

CEBU

CEBU CITY

CENTCOM SPOKESMAN LT

CENTRAL COMMAND

ENERO

JIM ARIS ALAGAO

SINULOG

SINULOG FESTIVAL

SINULOG GRAND PARADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with