Suspek sa Abra stray bullet shooting, tukoy na
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nakatakdang tukuyin na ng pulisya ang suspek sa fatal stray bullet shooting noong Huwebes na ikinamatay ng 11-anyos na nene sa Barangay Bumagcat, bayan ng Tayum, Abra matapos makumpleto ng Scene of the Crime Operatives ang trajectory investigation nito kahapon.?
Sinabi ni Abra PNP Director P/Senior Supt. Albertlito Garcia, mayroon na silang nakuhang impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek base sa circumstantial evidences na nakalap.?
Gayon pa man, tumanggi munang kilalanin ni Garcia ang suspek.?
Ilan sa sibilyan kabilang ang ama ng biktima ay isinailalim sa paraffin test at maging ni Tayum Vice Mayor Bienvenido Adelantar Dion Jr. ay isinuko ang kanyang lisensiyadong cal. 45 pistol upang patunayan na hindi sangkot sa stray bullet shooting ang nasabing baril at isailalim sa ballistic examination.
Ayon sa ama ng biktima na si Efren Tabaday, hindi niya inakala na masasangkot sa imbestigasyon ang kanilang kabarangay na Vice Mayor gayong wala naman itong binanggit na hakbang nang dumalaw ito sa burol ng kanyang anak.?
Samantala, sinabi ni Abra Governor Eustaquio Bersamin na inaasahan ang pagdating mula sa Lebanon ni Shahani Tabaday, overseas Filipino worker na ina ng stray bullet victim na si Jercy Tabaday.?
Sinabi ng Gobernador na nagpaabot siya ng tulong sa ginang nang mapadali ang pag-uwi sa Pilipinas upang mailibing ang anak.?
Naunang dinagdagan ng gobernador ang pabuya sa pamamagitan ng Provincial Peace and Order Council para sa mapadali ang pagdakip sa suspek mula P100,000 hanggang P200,000.
- Latest