^

Probinsiya

Vice mayor isinuko ang baril na nakapatay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Binasag ng vice mayor ng Tayum, Abra ang katahimikan sa kaso ng stray bullet shooting na nakapatay sa 11-anyos na nene sa Barangay Bumagcat matapos nitong isuko ang kanyang baril sa pulis­ya kamakalawa. ?

Hindi inakala ng ama ng biktima na si Efren Tabaday na sangkot si Vice Mayor Bienvenido Adelantar Dion Jr. sa nasabing kaso na ikinamatay ng kanyang anak na si Jercy.

?”Isa sa mga naunang dumalaw sa burol ni Jercy ay si Vice Mayor Dion su­balit wala itong sinambit sa balak niyang isuko ang sariling baril,” pahayag ng ama ng biktima. ?

Sinabi ni P/Insp. Mary Grace Marron, Abra PNP spokesperson, isinuko ni Dion ang kanyang cal. 45 pistol sa hepe ng Tayum PNP na si P/Senior Insp. Daniel Bandoc na walang bala.?

Isasailalim sa ballistic examination sa PNP Crime Laboratory Service for Integrated Ballistic Identification System ang baril ni Dion.

Gayon pa man, hindi pa sumailalim si Dion sa paraffin test tulad ng isinagawa ng pulisya sa ama ng biktima at apat pa nitong kainuman noong naganap ang insidente.?

Matatandaan na nag-alok ng P.2 milyong pabuya ang pulisya at si Abra Go­vernor Eustaquio Bersamin para sa impormasyon ng suspek sa pamamaril na naganap noong kasagsagan ng putukan sa paghihiwalay ng taon.

vuukle comment

ABRA

ABRA GO

BARANGAY BUMAGCAT

CRIME LABORATORY SERVICE

DANIEL BANDOC

DION

EFREN TABADAY

EUSTAQUIO BERSAMIN

INTEGRATED BALLISTIC IDENTIFICATION SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with