Magsasaka niratrat sa alitan sa lupa
January 6, 2015 | 12:00am
MANILA, Philippines – Napatay ang 35-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang may kinalaman sa alitan sa lupa sa naganap na karahasan sa Barangay Banuangan, bayan ng Godod, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naglalakad ang biktimang si Mhalidin Jamil patungo sa kanilang bahay mula sa pag-igib ng tubig nang harangin at ratratin ng armadong grupo. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended