^

Probinsiya

14-anyos nag-amok dedo sa sekyu

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang senglot na 14-anyos na nag-amok gamit ang samurai matapos itong pagbabarilin ng sekyu sa Barangay Cabugao, bayan ng Echague, Isabela kamakalawa.

?Kalaboso naman ang security guard na si Ronnie Gonzales na sinasabing ipinagtanggol lamang nito ang sarili laban sa binatilyong nag-amok na si Rick Angelo Argal matapos siyang sugurin kasama ang dalawa pang senglot na pinsan.

Sa pahayag ni P/Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng Echague PNP, hinahanting ng magpipinsan ang karelyebong sekyu ni Gonzales sa binabantayang bahay-sanglaan.?

Lumalabas sa imbestigasyon na tumangging ituro ni Gonzales ang kinaroroonan ng kanyang kabaro kaya ito niresbakan ng tatlo.?

Napag-alamang may namagitang alitan sa karelye­bong sekyu at ang biktima na sinasabing tinutukan ito ng baril noong nakalipas na gabi.?

Umamin naman sa pulisya si Gonzalez na nataranta siya sa pagsugod ng magpipinsan sa loob ng bahay-sanglaang binabantayan kaya niya nabaril sa dibdib ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY CABUGAO

CHIEF INSP

ECHAGUE

GERALD GAMBOA

GONZALES

GONZALEZ

ISABELA

RICK ANGELO ARGAL

RONNIE GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with