^

Probinsiya

Munisipyo ng Kabacan, nilooban

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Malaking halaga ang natangay sa Treasurer’s Office matapos looban ng mga di-kilalang kalalakihan ang  lokal na pamahalaan ng Kabacan sa North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Kabacan PNP, bandang alas-9 ng umaga kahapon, nadiskubre ng isang kawani ng munisipyo na bukas ang nasabing tanggapan.

Sinasabing noong Miyerkules ng hapon (Dec. 31) huling isinara ang nasabing opisina at di-mabatid kung anong araw nilooban ang munisipyo.

Maging ang Kabacan PNP na may ilang metro lamang ang layo sa munisipyo ay hindi namalayan ang naganap na insidente.

Hindi pa matukoy na halaga ng cash, tseke at mga alahas ang natangay ng mga kawatan matapos wasakin ang safety vault habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

vuukle comment

HALAGA

KABACAN

MALAKING

MIYERKULES

MUNISIPYO

NORTH COTABATO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with