^

Probinsiya

4 tinedyer nalunod sa dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na tinedyer ang ini­­­ulat na nalunod at nabahiran ng trahedya ang outing ng kanilang mga pamilya sa karagatan ng isang beach resort sa Cauyan, Negros Occidental nitong Biyernes.

Sa ulat ni Negros Occidental Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Milko Lirazan, naganap ang insidente sa Aurino Beach sa bayan ng  Cauyan dakong alas-11 ng umaga.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na magkapatid na sina Stephanie, 15; at April Rose Guimong, 13, at mga pinsan ng mga itong sina Jeselle Diaz at Reynaldo Silvera; pawang mga menor-de-edad.

Ayon sa imbestigasyon, nag-outing ang pamilya ng magpipinsan sa nasabing beach resort bilang bahagi ng pinalawig ng mga itong selebrasyon sa pagpasok ng buwan ng Enero ng taong ito.

Sa pahayag ng pamilya ng mga biktima sa mga awtoridad, masayang naglalanguyan sa dagat ang mga magpipinsang tinedyer nang tangayin ang mga ito ng malakas na alon

Ang bangkay ni Diaz ay unang narekober ng nag­respondeng rescue team, dalawang oras matapos ang insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operations sa tatlo pang nawawalang magpi­pinsan.

APRIL ROSE GUIMONG

AURINO BEACH

CAUYAN

DIRECTOR P

JESELLE DIAZ

MILKO LIRAZAN

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with