^

Probinsiya

3 sundalo pinabulagta ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong sundalo kabilang ang isang tinyente ng Phil. Army ang napatay matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army na sinamantala ang idineklarang unilateral ceasefire ng AFP sa Barangay Candinuyan, bayan ng Mabini, Compostela Valley kahapon ng umaga.

Tinukoy naman ni P/Supt. Antonio Rivera, spokesman ng Southern Mindanao PNP, ang mga napatay na sina Army Lt. Bautista, Pfc. Amor, at CAA Ronel Baluca na pawang nakatalaga sa Army’s 71st Infantry Battalion

Nabatid na magkaka­angkas sa motorsiklo ang mga biktimang patungo sana sa Barangay Antipan para sa kanilang Christmas break nang harangin at ratratin ng mga armadong rebelde.

Napag-alamang idinek­lara ng AFP ang isang buwang unilateral ceasefire laban sa NPA kung saan nag-umpisa noong Dis­yembre 18, 2014 hanggang Enero 19, 2015.

Tinapatan naman ito ng NPA ng 10-araw na tigil putukan simula Disyembre 24, 25, at 26 kung saan mula Disyembre 31, 2014 at Enero 1, 2015 para sa Kapaskuhan at mula naman Enero 15 hanggang 19, 2015.

“The continued banditry attacks disproves the su­gar-coated statements of the CPP-NPA. They claim that they are pursuing peace but their actions clearly contradict what they are saying,” pahayag naman ni Army’s 10th ID Commander Major General Eduardo  Año.

“We sympathize with the bereaved families of the slain soldiers and will exert all efforts to bring to justice those responsible for this merciless, treacherous crime,” dagdag pa ng opisyal.

ANTONIO RIVERA

ARMY LT

BARANGAY ANTIPAN

BARANGAY CANDINUYAN

COMMANDER MAJOR GENERAL EDUARDO

COMPOSTELA VALLEY

DISYEMBRE

ENERO

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with