3 bata nalunod sa Cavite
December 29, 2014 | 11:02am
MANILA, Philippines - Patay ang tatlong bata matapos malunod sa isang ilog sa lalawigan ng Cavite kahapon.
Nakilala ang mga biktimang sina Apple Tabanan, 4; kapatid niyang si Raine, 7; at pinsang si Jasmine Tabanan, 6.
Tumalon ang tatlo sa Ylang-ylang River sa bayan ng Noveleta kahapon.
Isa sa mga kasama ng biktima ang nakahingi ng tulong ngunit hindi na inabutan pang buhay ang mga bata.
Binakuran na ang paligid ng ilog upang hindi na malanguyan pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended