^

Probinsiya

Kuya kinatay, kinaladkad ni bunso

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na lalaking nasa banig ng karamdaman matapos itong pagtatagain ng kanyang kapatid na may kapansanan sa pag-iisip kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Ilayang Owain sa bayan ng Sampaloc, Quezon. Animo’y kinatay na baboy ang sinapit ng biktimang  si German Flores habang arestado naman ang suspek na si William Flores Jr., kapwa binata at nakatira sa nasa­bing barangay.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:30 ng mada­ling araw nang isagawa ng suspek ang krimen habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay.

 Hindi pa nasiyahan, kinaladkad pa ng suspek ang duguang katawan ng kanyang kuya patungo sa sabungan hanggang sa ares­tuhin ito ng mga opisyal ng barangay.

 

BARANGAY

BARANGAY ILAYANG OWAIN

GERMAN FLORES

KALUNUS

QUEZON

SHY

SUSPEK

WILLIAM FLORES JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with