^

Probinsiya

4 treasure hunter nakuryente sa tunnel, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng Bagong Taon ang apat na treasure hunter na nasawi makaraang aksidenteng makuryente at mahulog sa malalim na bahagi ng hinuhukay ng mga itong tunnel sa tabing dagat ng Danao City, Cebu nitong Biyernes ng tanghali.

Sa ulat ng Danao City Police, kinilala ang mga nasawi na sina Ernesto Ogabao, 49; mga kaibigan at kapitbahay nitong sina Jess Christian Miguel, 21; Dionel Mayol, 19; at Amick Bunconsejo; pawang residente ng Sitio Pasil, Brgy. Maslog ng lungsod.

Bandang alas-4 ng hapon nitong Biyernes ng unang marekober ng search and rescue team ang bangkay nina Ogabao at Mayon  na nahulog sa malalim na hukay na tinatayang nasa pagitan ng 25-30 talampakang lalim. Sumunod namang narekober dakong alas-8 ng gabi ang bangkay ng dalawa pang sina Miguel at Bunsonseho.

Ayon sa imbestigasyon,  bandang alas-11 ng tanghali kamakalawa habang naghuhukay ang mga biktima sa tunnel ng Brgy. Maslog, Danao City nang mangyari ang malagim na insidente.

Isa sa mga biktima na tinukoy na si Bunconsejo ang pilit tinatakpan ang  siwang sa tunnel upang mapigilan itong pasukin ng tubig dagat kapag high tide nang aksidente nitong mahawakan ang live wire na konektado sa water pump na kanilang ginagamit.

Nahulog sa tunnel ang biktima na nagawa pang makasigaw sa paghingi ng tulong pero habang tinatangkang iligtas ng tatlo nitong kasamahan ay nakuryente rin ang mga ito at bumulusok  sa malalim na hukay sa nasabing tunnel.

AMICK BUNCONSEJO

BAGONG TAON

BIYERNES

BRGY

DANAO CITY

DANAO CITY POLICE

DIONEL MAYOL

ERNESTO OGABAO

JESS CHRISTIAN MIGUEL

MASLOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with