Amok na vendor, inutas
TIAONG, Quezon, Philippines – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang vendor nang saksakin ng kanyang kapitbahay dahilan sa pag-aamok nito nang makita ang live-in partner na kainuman ng suspek sa barangay Lusacan, kamakalawa ng gabi.
Isang saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Randy Magbanua, 34, samantalang naaresto naman ang suspek na si Jerwin Vargas, 32.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ay nahuli sa akto ng biktima ang kanyang live-in partner na itinago sa pangalang Myra na nakikipag-inuman sa suspek na si Vargas sa kanilang bahay.
Dahil doon ay naghuramentado ang biktima samantalang nakatakbo naman patungo sa loob ng kuwarto ang suspek at ang babae at nagtago, gayunman ay winasak ng biktima ang pinto at nang akmang tatagain ang suspek ay naunahan siya ng saksak sa dibdib na agad nitong ikinamatay.
- Latest