10 bata sugatan sa 'piccolo'
December 25, 2014 | 11:58am
MANILA, Philippines — Sampung bata ang sugatan dahil sa pagpapaputok ng 'piccolo' sa pagsalubong ng Pasko kagabi.
Pawang mga taga Cagayan de Oro City ang mga biktima na kaagad isinugod sa J.R Borja Memorial Hospital at Northern Mindanao Medical Center.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok ng piccolo na kadalasan ay mga bata ang biktima.
Patuloy ang pagpapaalala ng gobyerno na iwasan ang paggamit ng paputok at gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 22, 2024 - 12:00am