^

Probinsiya

Chairman pinabulagta ng kagawad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binati muna ng advance Merry Christmas bago pinagbabaril at napatay ang beteranong barangay chairman ng barangay kagawad sa bayan ng Barotac, Nuevo, Iloilo kamakalawa.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si Chairman Rufino Bilan ng Barangay Cabilawan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na Kagawad Rolyn Trespesa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-text pa ang suspek sa biktima na inim­bitahan ito sa kaniyang bahay para magsalu-salo sa hapag-kainan.

Sa kabila ng abala sa paghahanda para sa Ka­paskuhan sa kanilang barangay at pamilya nito ay pinaunlakan naman ng biktima ang paanyaya ng suspek na agad nitong pinuntahan noong Martes ng hapon.

Gayon pa man, pumapasok pa lamang sa tarangkahan ng suspek ang biktima ay agad na pinagbabaril kung saan ang umalingaw­ngaw na mga putok ay na­rinig pa ng kanilang mga kapitbahay.

Napuruhan sa dibdib, leeg at ulo ang biktima habang tumakas naman ang suspek.

vuukle comment

BARANGAY CABILAWAN

BAROTAC

BINATI

CAMP CRAME

CHAIRMAN RUFINO BILAN

GAYON

ILOILO

KAGAWAD ROLYN TRESPESA

MERRY CHRISTMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with