Provincial jail warden kinidnap
MANILA, Philippines – Dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang provincial jail warden matapos harangin ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Sto. Niño, Panabo City, Davao del Norte kamakalawa ng gabi.
Sa phone interview, kinilala ni Lt. Vergel Alcambra, spokesman ng Army’s 10th Infantry Division ang biktima na si Jose Mervin Coquilla, hepe ng Compostela Valley Provincial Rehabilitation Center.
Bandang alas-8:30 ng gabi, nang harangin ng tatlong sasakyan ang puting Navarra pick-up truck (KGK 131) na sinasakyan ni Coquilla at ng misis nito pagsapit sa nabanggit na barangay.
Ang insidente ay naganap malapit lamang sa car wash shop ng biktima sa tahanan nito kung saan hindi naman sinaktan ng mga kidnaper ang misis na pinababa sa sasakyan.
Agad kinomander ng mga kidnaper ang sasakyan ng biktima kung saan narekober naman ng tropa ng Army’s 69th Infantry Battalion at ng Panabo City PNP ang sasakyan na inabandona sa bisinidad ng Barangay Fatima.
Sa kasalukuyan inaalam ng mga awtoridad kung talagang may kinalaman ang mga rebeldeng NPA sa pagdukot sa biktima.
“The authorities is still investigating if the incidents is a handiwork of the communist rebels or something to do with personal grudge,” pahayag pa ng opisyal.
- Latest