4 toneladang bochang karne, nasamsam
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Umaabot sa mahigit sa apat na toneladang (4,408 kilos) bocha ng mga karneng nangangamoy na ang kinumpiska ng pinagsanib na ahente ng City Veterinary Office at City Public Order and Safety Division (POSD) Mayor’s office sa pamilihang bayan ng Baguio City kamakalawa. Ayon kay City Veterinarian Dr. Brigitte Piok ang mga nasamsam na karne ay karamihan ay mga frozen meat na nanganganib sa kontaminasyon ng bacteria dahil inilalabas-pasok lamang sa freezer ang mga ito kapag idini-display sa labas ng puwesto. Sinabi rin ni Senior Meat Controller Ed Barroga na mahigit 300 na karton ng mga lumang stock na karne ang nadiskubre nilang inihahalo sa mga bagong stocks sa pamilihan upang ibenta.
- Latest