Beteranong mamamahayag ng PhilStar, pumanaw
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sumalubong na kay kamatayan ang beteranong mamahayag ng Philippine Star na si Charlemagne “Charlie” Lagasca sa pagamutan sa bayan ng Solano, Nueva Viscaya dahil sa matagal nang iniindang karamdaman sa edad na 46 noong hatinggabi ng Lunes.?
Bago sumabak sa propesyon ng pamamahayag noong 2000, si Lagasca ay naging bahagi ng iba’t-ibang non-government organizations na naglilingkod sa lipunan kasama na ang pagiging opisyal sa Earthquake Rehabilitation Program (ERP) ng lokal na pamahalaan ng Bayombong sa Nueva Viscaya matapos manalasa sa luzon ang killer earthquake noong July 1990.?
Itinatag din ni Lagasca ang local na pahayagang “Voice of the Sierra Madre” sa Nueva Viscaya noong 2011 sa layuning sugpuin ang korapsyon at walang humpay na paglalapastangan sa Inang Kalikasan sa kabundukan ng Sierra Madre. ?
Huli niyang idinaos ang kaarawan noong Nob. 18 at iniwan ang kanyang maybahay na si Vilma Vinluan Lagasca, mga anak, apo at kaibigan matapos ang halos isang buwan sa banig ng karamdaman.
- Latest