^

Probinsiya

22 nalason sa pinulutang aso

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa 22- mangi­nginom ang nalason dahil sa pinulutang asong may sakit sa Barangay Daldagan, bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Napoleon Eleccion Jr., hepe ng Galimuyod PNP, pinaniniwalaang may rabies ang pinulutang aso at malapit nang mamatay matapos katayin at lutuin ni isang alyas Anton. Karamihan sa mga biktimang manginginom ay nanakit ang tiyan, nahilo at nagsuka matapos mamulutan ng asong may sakit bago isinugod sa St. Martin de Pores Hospital sa Candon City.? Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan sa mga biktima habang inoobserbahan sa nasabing ospital. Sinabi ng hepe na wala pang opisyal na findings ang mga doctor kaugnay sa food poisoning habang pinag-aaralan naman ng pulisya na kasuhan si Anton at ang mga biktima ng paglabag sa batas kaugnay sa pagmamalupit sa hayop.

 

ANTON

BARANGAY DALDAGAN

CANDON CITY

GALIMUYOD

ILOCOS SUR

NAPOLEON ELECCION JR.

PORES HOSPITAL

SENIOR INSP

ST. MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with