^

Probinsiya

2 tigok sa kuryente

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines  - Da­lawa katao ang namatay matapos na makuryente sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Ayon kay QPPO Director P/S SUPT. Ronaldo Genaro Ylagan, ang unang insidente ay naganap dakong alas-9:00 ng umaga sa barangay Ilayang Pena, Pitogo, Quezon.

Tinatanggal umano ni Mark Anthony Macabuhay, 21, ang mga naputol na sanga ng puno sa kanilang bakuran nang aksidente itong mapahawak sa isang live wire at agad na makur­yente. Mabilis itong naisugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arri­val sa ospital.

Hindi na rin umabot ng buhay sa ospital si Delson Portin, 14 ng Sitio Amao, barangay Silangang Maicboy, Pagbilao, Quezon nang maapakan ang isang live wire ng MERALCO dakong alas-10:30 ng umaga.

AYON

DELSON PORTIN

DIRECTOR P

ILAYANG PENA

MABILIS

MARK ANTHONY MACABUHAY

QUEZON

RONALDO GENARO YLAGAN

SILANGANG MAICBOY

SITIO AMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with