^

Probinsiya

3 probinsya sa Southern Tagalog lubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lubog sa baha  ang tatlong probinsya sa Southern Tagalog sanhi ng malakas na pag-ulan sa paghagupit ng bagyong Ruby, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Alexander Pama, kabilang sa mga lalawigang apektado ng malalim na mga pagbaha ay ang Quezon, Laguna at Marinduque.

Dumaranas ng malalim na pagbaha ang mga bayan ng Pagbilao, Brgy. Almacen  at Brgy. Panaon sa bayan ng Unisan at sa bayan ng Pitogo, Quezon.

Binaha rin ang Brgy. Batuhan sa bayan ng Famy, Brgy. General Luna at Brgy. Wawa sa bayan ng Siniloan, Laguna.

Apektado rin ang siyam na bayan  sa Marinduque na kinabibilangan ng mga Brgy. Malusak at Isok sa bayan ng Boac; Brgy. Nangka I, Laon, Capayang, Bintakay, Ino sa bayan ng Mogpog, at Brgy. Balilis at Hupi sa bayan ng Sta. Cruz.

Patuloy naman ang assessment na isinagawa ng mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan sa pinsalang dulot ng pagbaha sa mga apek­tadong lugar.

APEKTADO

BAYAN

BRGY

GENERAL LUNA

MARINDUQUE

NANGKA I

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

QUEZON

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with