^

Probinsiya

5 Abu Sayyaf utas, 7 sugatan sa pag-atake

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang miyembro ng mga kidnappers ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang pito pa ang nasugatan sa isinagawang artillery fires ng tropa ng Joint Task Group (JTG) Sulu sa lalawigan ng Sulu kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni JTG Sulu Commander Col. Alan Arrojado, bandang alas-7:30 ng umaga nang magpaulan ng artillery fires ang tropa ng militar sa pinagkukutaan  ng mga bandido sa Sitio Nangka, Brgy. Kulambu, Talipao  ng lalawigan.

Ang lugar ay malapit lamang sa Mt. Bagsak kung saan itinatago ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron ang nakatakas na hostage na si Lorenzo Vinciguerra, Swiss national, 49 anyos.

Ayon kay Arrojado, tinamaan ng artillery fires ang limang napaslang na Abu Sayyaf habang pito naman sa mga ito ang sugatang nakatakas.

Gayunman, sinabi ni Arrojado na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napatay na bandido.

Inihayag ni Arrojado na ang paglulunsad ng artillery fires ay upang ma-pressure ang mga bandido na palayain ang nalalabi pang 8 hostages sa lalawigan.

Una nang ipinag-utos ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., ang paglulunsad ng law enforcement operations upang malipol ang mahigit pa sa 300 bandidong Abu Sayyaf Group na namumugad sa lalawigan.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER RADULAN SAHIRON

ABU SAYYAF GROUP

ALAN ARROJADO

ARROJADO

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

JOINT TASK GROUP

LORENZO VINCIGUERRA

MT. BAGSAK

SITIO NANGKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with