^

Probinsiya

Ambulansya niratrat ng NPA: 4 dedo, 4 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao ang na­paslang habang apat naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang ambulansya sa Road 2, Barangay Marfil, bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina  Neljoy Cerna, 27; Noni Mabong, 51; Alfredo Cerna, 51; at si Vanessa Sabas, 30, mga nakatira sa nasabing bayan.

Sugatang ginagamot sa ospital sina Liza Casilla, 47; Elmer Adonis, 37; Mae Roselyn Adonis, 8; at si Chairman Emilio Solidor  Jr., 49, ng Barangay Marfil sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay 1st Lt. Jolito Borces, civil military operations officer ng Army’s 4th Infantry Division, tinambangan ng mga rebelde ang ambulansyang sinasakyan ng mga biktimang pauwi na sana pagsapit sa nasabing lugar. Na may dalawang kilometro lamang ang layo mula sa Wayside Bible Baptist Church sa Sitio Latay.

Nabatid na ginamit ni Chairman Solidor ang ambulansya bilang service vehicle ng kanilang barangay kung saan nakisakay lamang ang mga sibilyan.

Napag-alamang katatapos lamang na dumalo ni Chairman Solido sa seleb­rasyon sa Wayside Bible Baptist Church na ini-host ni Pastor Wenefredo Daguimol.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Chairman Solidor ang target ng mga rebelde sa tambangan kung saan nadamay ang mga sibilyan.

ALFREDO CERNA

BARANGAY MARFIL

CHAIRMAN EMILIO SOLIDOR

CHAIRMAN SOLIDO

CHAIRMAN SOLIDOR

ELMER ADONIS

INFANTRY DIVISION

WAYSIDE BIBLE BAPTIST CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with