PNR may biyaheng Calamba na
MANILA, Philippines – Mas pinahaba pa ng Philippine National Railway (PNR) ang kanilang ruta sa pagbubukas ng Calamba, Laguna station bukas.
Nakatakdang simulan ng PNR ang biyahe patungong Calamba bukas ng alas-7 ng gabi mula sa Tutuban sa Maynila.
Dalawang tren ang bibiyahe kada araw para sa rutang Maynila-Calamba na nagkakahalaga ng P45.
"This is another step toward serving the increasing number of people from Laguna coming into Manila on a daily basis, reviving the railway’s iconic Bicol Express, and restoring the PNR to its former glory as a vehicle for economic prosperity and progress," pahayag ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.
Upang mas gumaan pa ang pagbiyahe ng publiko, plano pa ng DOTC na magdagdag ng dalawa pang biyahe ng Maynila-Calamba sa susunod na taon.
Sa pagbubukas ng ikapitong himpilan ng PNR, humaba ang kanilang ruta sa 56-kilometro, kung saan 3,000 hanggang 5,000 pasahero ang inaasahang daragdag sa 70,000 na regular na pasahero araw-araw.
"This is the seventh station that the PNR has opened in the past 12 months. Clearly, we are on the right track in rehabilitating the railway system and soon reviving the service to Naga and Legazpi," dagdag ni Abaya.
Nitong Disyembre ng nakaraang taon, apat na himpilan ang binuksan ng PNR: Muntinlupa City, San Pedro, Biñan and Sta. Rosa sa Laguna.
Pinahaba pa ito ng PNR nitong Marso nang buksan ang himpilan sa Cabuyao at Mamatid sa lalawigan pa rin ng Laguna.
- Latest