^

Probinsiya

3 suspek sa pagpatay sa stude, tiklo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo sa anim na estudyante na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpatay sa 18-anyos na mag-aaral sa Nor­thern Philippines College for Maritime Science and Technology sa San Fernando City ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Nagsabaran Norte, bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa. ?

Isinailalim sa tactical interrogation ang tatlong suspek na sina Bryan Garcia, 20; Brylle Lopez, 20; at si Romel Gagua, 19, mga dinampot sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alpino Florendo ng San Fernando City Regional Trial Court Branch 30 at walang inirekomendang piyansa.?

Ayon kay La Union PNP director P/Senior Supt. Ramon Rafael, ang tatlo ay isinasangkot sa pagpatay sa 3rd year Marine Enginee­ring student na si Jerome Lopez noong Agosto 2014. ?

Sinasabing lango sa alak ang mga suspek nang bastusin nila ang nobya ng biktima sa loob ng ka­rin­derya sa harapan ng ka­nilang paaralan.

Gayon pa man, ipinagtanggol ng biktima ang nobya kung saan umiwas na lang sa magaganap na kaguluhan.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinundan sila ng anim na suspek saka pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay.?

vuukle comment

BARANGAY NAGSABARAN NORTE

BRYAN GARCIA

BRYLLE LOPEZ

JEROME LOPEZ

JUDGE ALPINO FLORENDO

LA UNION

MARINE ENGINEE

MARITIME SCIENCE AND TECHNOLOGY

PHILIPPINES COLLEGE

RAMON RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with