Pista binomba: 3 dedo, 25 sugatan
NORTH COTABATO, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong namatay habang dalawampu’t lima naman ang nasugatan makaraang sumabog ang bomba na itinanim ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters malapit sa billiard hall sa panulukan ng municipal plaza, bayan ng M’lang, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga namatay na sina John Rorence Camiring Cachapero, 16, 4th year high school, football player at residente ng Roxas Street, Barangay Poblacion A; Jade Villarin Catinoy, 17, ng Brgy. Poblacion B sa nasabing bayan; at si Francis Rio na namatay sa ospital.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina John Ramirez, Norelyn Catinoy, Apolinario Egut, Nelson Baliguat, Ian Cris Quintinita, Mar Jon Billiones, Kenneth Garcia, Joemar Basas, Ruth Billones, Amar Patas, Beverly Brazillion, Mike Laba, Solimar Baligasa, Kagawad Rick Javier, Ruel Sales, Ali Aguirre, Aldrin Natal, Erickson Brazillion, Aldrin Cadungon, Ericka Brazillion, Erica Mae Jacileno, Thelma Cebalos, Ryan Ignacio, Ina Cruz at isang pang hindi nabanggit.
Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, public affairs officer ng Army’s 6th Infantry Division, naganap ang pagsabog habang nagkakasiyahan ang mga residente kaugnay sa pagdaraos ng Kawayanan Festival.
Sa pahayag ni Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP–Public Affairs Office, pinaniniwalaang grupo ng mga rebeldeng BIFF ang nasa likod ng pagpapasabog.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang improvised explosive device (EID) ay iniwan sa nasabing lugar malapit sa billiard hall habang nagkakasiyahan ang mga tao sa nasabing bayan.
Kinondena naman ni North Cotabato Governor Emmylou “Lala” Tali?o Mendoza ang panibagong pambobomba sa kanilang bayan.
Magugunita na noong nakalipas na linggo ay pinasabog ang overpass sa bayan ng Kabacan kung saan namatay ang isang kolehiyala habang 17 naman ang nasugatan.
- Latest