14 inaresto sa balwarte ng Sayyaf
MANILA, Philippines – Umaabot sa labing-apat na sibilyan na itinuturing na persons of interest ang inaresto ng tropa ng militar kaugnay ng posibleng pagiging miyembro o sympathizers ng mga ektremistang Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon sa balwarte ng mga bandido sa liblib na bahagi ng bayan ng Talipao, Sulu kamakalawa.
Ayon kay Captain Rowena Muyuela, Army’s regional spokesperson, bandang alas-11:20 ng tanghali nang arestuhin ng tropa ng Joint Task Group ang mga suspek sa Sitio Balikbayan, Barangay Kuhaw.
Nabatid na nagsasagawa ng clearing operation ang mga sundalo sa Brgy. Bud Bunga matapos makasagupa ang mga bandido nang masabat sa Brgy. Kuhaw ang 14-katao na naaktuhan gumagala na katabi lamang sa encounter site.
“They are being investigated to determine if they were genuine members or sympathizers of the bandit groups,” pahayag ni Muyuela.
Kabilang sa mga nasakote ay 12 lalaki at dalawang babae na hindi na nakapalag matapos maaktuhan sa nasabing lugar.
Sa inisyal na tactical interrogation, sinabi ng mga suspek na nag-aani lamang sila ng mga pananim na kamoteng kahoy pero wala namang mga halaman dahil gubat ang nasabing lugar na balwarte pa ng mga bandido.
- Latest