Barangay kagawad, nilikida
COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 59-anyos na barangay kagawad matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Tenorio, Awang, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo si Kagawad Melencio Ramogon, Teduray IP leader at nakatira sa Sitio Bahar, Brgy. Pandan sa bayan ng South Upi, Maguindanao. Nabatid na bibili sana ng pagkain si Ramogon sa karinderya nang lapitan at barilin sa ulo ng gunman pagsapit nito sa harap ng St. John Episcopal Church. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip na anggulo ng pulisya ay awayan sa lupain ang isa sa motibo sa pamamaril.
- Latest