^

Probinsiya

Overpass pinasabog: Coed patay, 17 sugatan

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 19-anyos na college student habang 17 naman ang nasugatan makaraang sumabog ang bomba na itinanim ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa overpass malapit sa elementary school sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Health Emergency Management Officer Honey Joy Cabellon ang biktimang napuruhan sa ulo na si Monique Mantawil, 19, 2nd year college sa kursong Development Communication sa University of Southern Mindanao.

Ginagamot ngayon sa  Cotabato Provincial Hospital at Kidapawan Medical Specialist sina Richie Baguio, Technician, OSY; Mohamid Masukat, BS InfoSys, Midsayap, Cotabato; Queen Mary Alimihamed ng Liton, Kayaga, Kabacan; Arvie Estrella, BS Agri Bus, Kidapawan City; Giezel Mae Butil, 17, BSE, Isulan, Sultan Kudarat; Albert Pagatpat, BSA, Alabel, Saranggani; Rowena Nofies, 17, BSA; Tonton Kusain, 21, BSBE, Midsayap, Cotabato; Girlie Roiles, 17, BS computer Engineering, Kilagasan, Kabacan; Samrah Sembaga, 19, BS Bio; Jestoni Gevero, 20; 4th year sa Kabacan National High School, ng Sitio Liton, Kayaga; Ibrahim Buntulay, 19, AB Pol Science, Pikit, Cotabato; Hartzel Bragat, 18, BS Bio, ng Katipunan, Arakan; Merwin Lagat, BSE; at si Rojanna Pio, BSE, Patadon, Matalam, Cotabato.

Sugatan ang isa pang BPAT na si Usman Dimacaling matapos itong rumesponde sa blast site.

Ayon kay P/Senior Insp. Jerwin Castroverde, gawa sa 60mm mortar ang bomba na itinamin ng mga di-kilalang lalaki sa itaas ng overpass sa harapan ng Pilot Elementary School.

Samantala, isa pang bomba ang narekober naman ng pangkat ng militar at pulisya sa gate ng nasabing eskuwelahan.

Maglalaan ang provincial government at lokal na pamahalaan ng Kabacan ng P.2 milyon na reward money sa sinumang makapagtuturo sa mga responsable sa pagpapasabog.

AGRI BUS

ALBERT PAGATPAT

ARVIE ESTRELLA

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY POBLACION

COTABATO

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

DEVELOPMENT COMMUNICATION

GIEZEL MAE BUTIL

KABACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with