^

Probinsiya

Rookie cop dinukot ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng armadong kalalakihan  na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bagitong pulis matapos itong harangin sa checkpoint ng komunistang grupo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Romaldo Bayting, spokesman ng Caraga PNP ang kinidnap na si PO1 Jonry Amper, miyembro ng intelligence operative unit ng Malimono PNP. Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima mula sa himpilan ng pulisya nang harangin ng mga rebelde sa kahabaan ng highway sa Barangay Bunyasan.  Nabatid na nagsasagawa ng surveillance operation si Amper matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa lugar. Kaugnay nito, bumuo na ng Crisis Management Committee (CMC) upang iligtas ang buhay ng nasabing pulis.

 

BARANGAY BUNYASAN

CARAGA

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

DINUKOT

JONRY AMPER

KAUGNAY

KINILALA

MALIMONO

NABATID

NEW PEOPLE

ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with