^

Probinsiya

Pinoy biggest loser winner, arestado

Joy Cantos at Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang 40-an­yos na dating pulis-Pasig na wan­ted sa pagpatay sa isang she­riff matapos itong arestuihin ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Milaor, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Primo Golingay, hepe ng Public Information Office ng Camarines Sur PNP ang suspek na si Larry Galvan Martin na sinasabing itinanghal na Biggest Loser Pinoy Edition Winner sa isang television reality show noong 2011.

Bandang alas-12:45 ng hapon nang masakote ng pangkat ni P/Senior Inspector Gilmore Ruizo si Martin sa Barangay Sto. Domingo sa nasabing bayan.

Inaresto si Martin base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Intia ng Naga City Regional Trial Court Branch 27 kaugnay ng kasong pagpatay sa isang Sheriff.

Naglaan naman ang korte ng P120,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Martin.

Si  Martin ay dating pulis-Pasig City subalit nagbitiw dahil sa sobrang katabaan hanggang sumali ito sa rea­lity show sa television network na Pinoy Biggest Loser  na may pababaan ng  bawas sa timbang noong 2011.

??Gayon pa man, sa hindi inaasahang pangyayari, nasangkot si Martin sa pagpaslang kay Sheriff  Rommel Licmoan ng Naga City noong 2012 matapos magkapikunan habang nag-iinuman sa videoke bar.

BARANGAY STO

BIGGEST LOSER PINOY EDITION WINNER

CAMARINES SUR

JUDGE LEO INTIA

LARRY GALVAN MARTIN

NAGA CITY

NAGA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PASIG CITY

PINOY BIGGEST LOSER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with