P.4M shabu at marijuana sinunog ng PDEA
CAMARINES NORTE, Philippines – Umaabot sa P.4 milyon ang kabuuang halaga ng marijuana at shabu ang sinunog na sinaksihan ng PDEA Bicol, PNP, Fiscal, Municipal at Barangay officials na isinagawa sa likurang bahagi ng Munisipyo sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa.
Ayon sa tagapagsalita ng PDEA Bicol na si Cotton Yuson, ang mga nasabing sinunog na ipinagbabawal na droga ay bahagi ng kanilang kampanya upang tuluyan nang masugpo ang mga iligal na droga sa Kabikulan.
Nabatid na umaabot sa 100 gramo ng Marijuana habang 55 gramo naman ng shabu ang sinunog matapos na ito ay maging bahagi ng ebidensya sa korte na ngayon ay tapos na ang mga kaso simula noon taong 1991.
Sinabi pa ng PDEA na dalawang bayan sa Camarines Norte ang sinasabing Drug free na kinabibilanagan ng bayan ng San Vicente at San Lorenzo Ruiz.
Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang impormante ng PSNGAYON na karamihan diumano sa mga drug users na gumagamit ng shabu ay ilan sa mga minero sa bayan ng Jose Panganiban, Labo at Paracale upang tumagal sa ilalim ng lupa sa kanilang pagmimina gamit ang compressor.
- Latest