Wanted na holdaper arestado
BULACAN, Philippines – Arestado ang isa sa tatlong umano’y notoryus na holdaper na responsable sa serye ng mga panghoholdap matapos na matunton ng pulisya ang lungga nito sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi .
Hindi na nakapalag pa ng mapalibutan ng pulisya ang suspek na si Elino Manlangit, alias Patrick at Faye, 24, umano’y lider ng Manlangit robbery-holdup at carnapping group at nakatala bilang No.6 sa Priority Target List ng pulisya, sa kanyang pinagtataguang bahay sa Pecsonville Subd., Brgy. Tungkong Mangga.
Ang pag-aresto sa suspek ay base sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Gregorio Sampaga ng RTC Branch 78 sa Malolos City sa kasong robbery at palabag sa R.A. 10951 (Illegal Possesion of Firearm).
Base sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, dakong alas-6:40 ng gabi, natunton ang hideout ng suspek bunsod ng pagkakaaresto nito at nakuha sa kanya ang isang .48 revolver na baril na may limang bala at isang granada.
Sa record ng pulisya si Manlangit ang responsable sa nagaganap na holdapan sa mga pampasaherong PUJ at PUB na tumatahak sa kahabaan ng Brgy. Tungkong Mangga habang positibo naman siyang itinuro ng isa sa naging biktima na si Lita Tuguero 58, Natasha dealer at residente rin ng naturang lugar.
- Latest