^

Probinsiya

Military truck hulog sa bangin, 4 patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng Philippine Marines at isang civilian employee ang nasawi habang anim pa ang nasugatan nang mahulog ang military truck na kanilang sinasakyan sa may 40-50 talampakang lalim na bangin sa Ternate, Cavite kahapon ng umaga.

Ayon kay Marine Col. Edgard Arevalo, Spokesman ng Philippine Navy, naganap ang insidente sa zigzag road ng Kantuba Hill habang pa­balik na ang mga biktima sa Marine Base Gregorio Lim sa nasabing bayan bandang alas-9:30 ng umaga.

Dalawa sa mga enlisted Marine at isang sibilyang empleyado ang idineklarang dead-on-the spot habang dead-on-arrival ang isang opisyal sa San Lorenzo Hospital sa Naic.

Sa ulat naman ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga nasawi ay kinilalang sina 1st Lt. Noriel Bulalacao, Sgt. Richard Lotivio, Cpl. Fidel Mayo Jr. at ang sibilyang si Jed Del Rosario.

Ang mga nasugatan ay sina SSgt. Cliffordo Sinfuego, nagmamaneho ng behikulo; SSgt. Winston  Aguillon, Cpl. Florante  Marayag, Cpl. Renante Camansi, Cpl. Antonio, at Cpl. Joylene Marasigan

Nabatid na 9 na personnel ng 3rd Philippine Marine Corps at isang empleyadong sibilyan ang lulan ng M35 (SKU-134) truck at pabalik na sana sa kampo matapos na mamalengke nang mangyari ang trahedya.

Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck at hindi na nakontrol ng driver ang manibela hanggang sa tuluy-tuloy na mahulog sa bangin ang military truck.

Nakiramay na si Navy Chief Vice Admiral Jesus Millan at Marine Corps Commandant Maj. Gen. Romeo Tanalgo sa mga pamilya ng mga nasawi.

vuukle comment

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CLIFFORDO SINFUEGO

DIRECTOR P

EDGARD AREVALO

FIDEL MAYO JR.

JED DEL ROSARIO

JOSELITO ESQUIVEL JR.

KANTUBA HILL

MARINE BASE GREGORIO LIM

MARINE COL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with