^

Probinsiya

Duterte magreretiro, 'di tatakbong pangulo sa 2016

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang balak tumakbo sa kahit ano pa mang posisyon sa gobyerno si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kabila ng mga panawagang na sumubok sa pagka-pangulo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, ayaw ni Duterte kuntento na siya sa kanyang mga naabot at nagawa sa kanyang buhay.

“Remove all the billboards, 'yung mga ‘Duterte for President’ tanggalin niyo 'yan… I will never ever dream of what I cannot be,” pahayag ng alkalde matapos baklasin ang mga billboard na hinimok siyang tumakbo sa 2016.

Aniya tanging ang anak na lamang niyang si Sara ang maaaring magpatuloy ng kanyang mga nasimulan sa Davao City.

“It’s not for political dynasty na sinasabi nila, wala kami niyan... But si Inday can carry on as mayor. I will retire after my term.”

Ang kalusugan ng alkalde ang itinuturo niyang dahilan sa pagreretiro kahit na nagpahayag na si Senador Miriam Defensor Santiago na nais siyang makatambal sa nalalapit na national elections.

"I would love to run with Rody Duterte whom I have always loved from the very beginning," wika ni Santiago noong Setyembre na kaagad naman tinanggihan ng Davao City Mayor.

ANIYA

AYON

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

RODY DUTERTE

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with