^

Probinsiya

2 holdaper utas sa shootout sa checkpoint

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang napatay matapos ang mga itong makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa isang checkpoint sa Imus City, Cavite nitong Sabado ng madaling-araw.

Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Joselito Esquivel Jr., bandang alas- 4 ng madaling-araw ng maganap ang bakbakan sa Daang Hari Road, Pasong Buaya I ng lungsod na ito.

Ayon kay Esquivel ang nasabing checkpoint ay inilatag bilang bahagi ng Oplan Sita kaugnay ng pagbibigay seguridad ng pulisya sa mapayapang Oplan Undas 2014.

Sinabi ni Esquivel na dalawang lalaki na lulan ng kulay itim na Honda TMX na ‘for registration plate’ ang dumaan sa checkpoint.

Gayunman sa halip  na huminto at sumailalim sa inspeksyon ng pulisya ay pinaputukan pa ng mga ito ang mga bantay na pulis dito kung saan pinaharurot pa ng mga ito ang kanilang motorsiklo.

 Bunsod nito ay nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig nang gumanti ang mga pulis na hinabol ang papatakas na mga suspek.

Tumagal ang putukan ng ilang minuto na kapwa ikinasawi ng dalawang suspek na ayon sa opisyal ay patuloy pang beneberipika ang mga pangalan.

Isinasailalim naman sa be­ripikasyon ang impormas­yon na karnap ang motorsiklong ginamit ng mga suspek.

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

DAANG HARI ROAD

DIRECTOR P

ESQUIVEL

IMUS CITY

JOSELITO ESQUIVEL JR.

OPLAN SITA

OPLAN UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with