^

Probinsiya

Ancestral house ng mayor, naabo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang nasunog ang tatlong palapag na ancestral house ni Mayor Antonio Miro Jr. sa Barangay Poblacion, bayan ng San Pablo, Isabela noong Sabado ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Insp. Alford Accad, hepe ng San Pablo PNP, tumagal ng dalawang oras ang sunog na nagsimula bandang alas-6:30 ng gabi kung saan nakatira si dating Mayor Eduardson Tumaliuan na amain ni Mayor Miro Jr. Pinaniniwalaang sa natumbang kandila sa altar ng pamilya nagmula ang apoy. Ang makasaysayang bahay ay prominente sa bayan dahil sa naging tahanan ng mga sinauna pang pulitiko sa bayan ng San Pablo sa angkan ng mga Miro at Tumaliuan.

vuukle comment

ALFORD ACCAD

BARANGAY POBLACION

ISABELA

MAYOR ANTONIO MIRO JR.

MAYOR EDUARDSON TUMALIUAN

MAYOR MIRO JR. PINANINIWALAANG

SABADO

SAN PABLO

TUMALIUAN

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with