^

Probinsiya

Comelec kinalampag sa Panique election case

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling nila House Committee on Suffrage and Electoral Reform Vice Chairman Rep. Edgar Erice at Party-List Abakada Rep. Jonathan dela Cruz sa Commission on Elections (Comelec) na agad na aksyunan sa lalong madaling panahon ang desisyon ng korte kaugnay sa resulta ng mayoralty race sa bayan ng Paniqui, Tarlac.

Nababahala si Erice na kung mabibigo ang poll body ay magreresulta ito sa pagdagsa ng election protest kaugnay sa nakalipas na 2013.

Tinukoy ng mambabatas ang nakabinbin sa Comelec First Division na kahilingang temporary restraining order laban sa desisyon ni Judge Agapito Laoagan na kanselahin ang 3,684 boto ni incumbent Paniqui Mayor Miguel Cojuangco Rivilla.? 

?Si Rivilla ay iprinoklamang nanalo matapos lumamang ng 3,233 boto sa nagprotesta at nakalabang si Rommel David na inatasan din bumaba sa puwesto.? ?

Subalit iginiit ni Erice na sakaling masunod ang court order kontra sa incumbent mayor ay magdudulot ito ng implikasyon na sumablay ang buong 2013 elections dahil palpak at hindi katanggap-tanggap ang ibinigay na resulta ng precinct count optical scan system (PCOS).? ?

Sa panig ni De la Cruz, senior member ng House Independent Minority Bloc, na ang pagkansela sa mga botong naitala ng PCOS machine ay magbibigay ng malaking problema sa Comelec.? 

Sa nakaraang pagdinig ng nasabing poll body division na pinamumunuan ni Commissioner Lucenito Tagle, nabigo itong magpalabas ng desisyon sa hiling na TRO matapos bigyan ang kampo ni David ng sapat na panahon para sagutin ang petisyon ni Rivilla.

 

COMELEC

COMELEC FIRST DIVISION

COMMISSIONER LUCENITO TAGLE

CRUZ

EDGAR ERICE

HOUSE COMMITTEE

HOUSE INDEPENDENT MINORITY BLOC

JUDGE AGAPITO LAOAGAN

PANIQUI MAYOR MIGUEL COJUANGCO RIVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with