^

Probinsiya

Misis ng gobernador na nawawala, lumutang

Ed Casulla at Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Lumutang na kahapon ang misis ni Camarines Norte Governor Edgar Tallado na napaulat na kinidnap ng mga di-kilalang lalaki noong Biyernes ng gabi.

Inamin naman ni P/Chief Supt. Victor Deona, PNP regional director na noong una pa lang ay alam na umano nila na hindi dinukot ang asawa ng gobernador kundi personal na problema ang dahilan ng pagkawala nito.

Dagdag pa ng opisyal na nakakuha na sila ng testigo na nagsasabing hindi naman nawawala ang asawa ni Gov. Tallado kundi tumakas ito at kusang umalis ng bahay.

“Hindi dinukot kundi kusang umalis si Josefina “Josie” Tallado, misis ni Governor Edgar Tallado matapos na magkaroon ng problema ang mag-asawa sa sinasabing pambababae ng mister at may banta rin ang kanyang buhay sa sariling asawa,” pahayag ng nasabing opisyal.

“Hindi po ako nawawala at hindi ako nakidnap. Kusa akong umalis at kusa akong tumakas dahil alam kong hindi na ako safe sa sarili kong tahanan,” pahayag ni Josefina Tallado sa isinagawang interview sa ABS-CBN network.
Nabatid din kay Josie na pinag-ugatan ng problema ay pagbintangan siya ng nasabing gobernador na nag-post sa social media network ng hubad na larawan ng kalaguyo ng opisyal kung saan ito ang unang pagkakataon niyang nakita na sobrang galit at may nakasukbit pang baril sa beywang nito.

Ayon naman kay Atty. Lorna Kapunan, abugado ni Josefina Tallado, binaril at winasak ng gobernador ang laptop ng misis dahil sa sobrang galit.

“She’s never seen this in her husband. Ang picture kasi napaka-compromising. ‘Yung mistress nakahubad. Matindi ‘yun. Napahiya ang gobernador at yung mistress kaya siya ang napagbintangan,” Pahayag ni Atty. Kapunan na kasama ni Josie Tallado sa kanyang paglutang.

“Kung may problema sila, pag-usapan na lang nila at huwag ng ida­may ang media, huwag ng ida­may ang PNP. ‘Yon sigu­ro ang pinakamaganda. I-settle na lang nila privately kung ano man ang marital problem nila huwag ng isa-publiko. Para hindi na, madadamay ang iba, nasayang ang oras ng media, nasayang ang oras ng PNP,” pahayag ni Deona.
“Sakaling hilingin ni Josie Tallado na bigyan siya ng proteksyon ay handa ang pamunuan ng PNP Bicol na magbigay ng proteksyon,” dagdag pa ni Deona.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang pahayag si Camarines Norte Governor Edgar Tallado kaugnay sa mga pahayag ng kanyang misis.

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGAR TALLADO

CHIEF SUPT

DEONA

GOVERNOR EDGAR TALLADO

JOSEFINA TALLADO

JOSIE TALLADO

LORNA KAPUNAN

TALLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with