Prosekusyon sa killer ng reporter, hirit ng NUJP
MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon ang National Union of Journalist of the Philippines sa mga kasamahan nito sa pamamahayag at publiko na maging mapagbantay upang mapigilan ang “whitewash” sa kasong pagpatay sa isang reporter ng Davao del Sur.
Ayon kay Jessie Casalda, Chairman ng NUJP Davao chapter, nais din ng grupo na matiyak na mapaparusahan ng batas si dating Davao del Sur Governor Douglas Cagas matapos na mag-isyu ng warrant of arrest ang korte.
Samantala, iginigiit ni Cagas na inosente siya sa krimen at umano’y may kinalaman sa pulitika ang pagdidiin sa kanya sa pagpatay kay Nestor Bedolido, ng pahayagang Kastigador.
Si Cagas ang itinuturong nasa likod ng pananambang at pagpatay ng motorcycle riding-in-tandem kay Bedolido sa Digos City noong Hunyo 2010.
Sa kabila nito, sinabi ni Casalda na ang pagsuko ni Cagas ay isang positibong hakbang sa paghahanap ng hustisya para sa kasamahang mediamen
Sa tala, simula ng manungkulan sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III, umaabot na sa mahigit 20 mediamen ang pinaslang.
- Latest