2 lindol tumama sa Mindanao
MANILA, Philippines – Dalawang magkasunod na lindol ang naramdaman sa Mindanao kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang 4.8 magnitude na lindol sa may 26 kilometro ng timog kanluran ng Kidapawan City ganap na alas-2:53 ng madaling-araw kahapon kung saan may lalim na 006 kilometro.
Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 3 sa Makilala at Tulunan, North Cotabato at intensity 2 sa Kidapawan City; M’lang, North Cotabato at Datu Paglas, Maguindanao.
Matapos nito, sinundan ng 4.2 magnitude na lindol sa may 35 kilometro timog kanluran ng Kidapawan City. Tectonic din ang origin nito at may lalim ng lupa na 019 kilometro.
Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 2 sa Coronadal City at intensity 1 sa Kidapawan City. Wala namang napaulat na nasugatan o napinsalang mga ari arian ang naturang magkasunod na lindol.
- Latest