^

Probinsiya

Holdaper nagutay sa sariling granada

Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines – Nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng isang lalaking nangholdap sa isang computer shop, makaraang sumabog ang dala dala nitong granada na siyang ginamit sa panghoholdap, kamakalawa ng gabi sa harap ng isang eskwelahan ng Brgy San Mateo, San Francisco, Dasmariñas City, Cavite.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang nasawing suspek at tanging ang tattoo nitong Sputnik,  Nicolas at Bong Pandos  ang palatandaan dito. Tinatayang nasa edad na 30-35 anyos, may taas na 5’4 at nakasuot ng short na maong, jacket na blue, 2 t-shirt at helmet.

Pito katao naman ang sugatan matapos na tamaan ang mga ito ng grenade shrapnel galing sa pagsabog habang dumadaan ang biktima sa nasabing lugar. 

Sa nakalap na report mula kay Chief Insp Jowel Saliva, duty chief of police ng lungsod, alas 6:40 ng gabi ng maganap ang pagsabog habang ang suspect ay lulan ng isang motorsiklo at  bumabagtas sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pagsabog ay nagkawatak-watak ang katawan ng nasabing lalaki at ikinasugat ng pitong residente.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag -alaman na ang na­sabugang lalaki ay suspek sa naganap na panghoholdap sa isang computer shop sa Brgy Sta Cristina 2 ng nasabi ring lunsod, kung saan positibo itong kinilala ng mismong kanyang naging nabiktima. (Tina Go Timbang)

 

vuukle comment

BONG PANDOS

BRGY SAN MATEO

BRGY STA CRISTINA

CAVITE

CHIEF INSP JOWEL SALIVA

DASMARI

SAN FRANCISCO

TINA GO TIMBANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with