Simbahan pinasabugan sa North Cotabato; 2 patay, 3 sugatan
MANILA, Philippines - Dalawa ang patay, tatlo ang sugatan matapos pasabugan ang isang simbahan sa North Cotabato kagabi.
Taimtim lamang na nagdadasal ang mga biktima nang mangyari ang insidente kagabi sa United Church of Christ in the Philippines sa bayan ng Pikit.
Nakilala ang mga nasawi na sina Felomina Nacario-Feroli at Gina Cabiluna, habang sugatan sina Jeremias Dandan, 60, at Gerome Dandan, 28, Virgie Manulid.
Ayon sa pastor ng UCCP na si Gerry Sanchez walang kaaway ang mga biktima ng pagsabog.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pag-atake.
- Latest