Dalagita pinilahan ng 6-senglot
NORTH COTABATO, Philippines – Maagang nawasak ang pagkababae ng 15-anyos na nene matapos pilahan ng anim na kalalakihang lango sa alak sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Pansamantalang di-isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang pinaghahanap ng pulisya at itinago naman sa pangalang Mercy ang biktima na nakatulala pa rin matapos ang insidente. Base sa police report, naganap ang krimen noong Miyerkules (Oct.1) makaraang yayain ang biktima ng mga suspek na mag-inuman. Dahil kilala naman ng biktima ang mga suspek ay kampante siyang sumama sa mga ito subalit nang malasing ay isinagawa ang maitim na balak. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Reynante Delos Santos, kinilala ng biktima ang mga suspek at hinihintay na lamang lumabas ang arrest warrant laban sa mga ito.
- Latest