^

Probinsiya

Lolo todas sa SUV

Pilipino Star Ngayon

CAMARINE NORTE, Philippines  —  Nasawi ang   isang 72-anyos na lolo makaraang mabundol ng isang SUV kasabay ng pagdiriwang ng Elderly week na naganap sa Brgy. La Opinion, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, kinilala ang biktima na Julian Olivares residente ng Zone 6, Bagong Sikat, Paloyon Proper-Nabua na idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Maria Josefa Hospital sa lungsod ng Iriga.

Nabatid na bandang alas-8:45 ng umaga  habang ang biktima ay sakay ng kanyang bisikleta nang  aksidenteng mabangga ng isang kulay itim na Nissan Cefiro (WRZ 539) na minamaneho ni Annalyn Perea, 36-anyos ng Barriada, Legaspi City ang biktima na dahilan upang ito ay tumilapon at sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang matanda.

Nadamay din ang kasalubong na sasakyan na isang kulay itim na Toyota Vios (WKQ 139) na minamaneho naman­ ni Joseph Abellano, 32-anyos ng Mandaluyong City makaraang tamaan ito ng tumilapon ang bi­sikleta. Francis Elevado

ANNALYN PEREA

BAGONG SIKAT

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR POLICE PROVINCIAL OFFICE

FRANCIS ELEVADO

JOSEPH ABELLANO

JULIAN OLIVARES

LA OPINION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with