Lineman kisay sa kuryente
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Nagkikisay at namatay ang 26-anyos na lineman matapos makuryente habang nagkakabit ng cable line sa kahabaan ng Don Manuel Avenue sa Barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa MV Gallego General Hospital ang biktimang si Jaymar Zamora y Pagapulan, lineman ng Corepoint Cable Construction Corporation at nakatira sa Doña Adela Subd., Barangay Mabini Homesite sa nasabing lungsod. Lumilitaw na abala ang biktima sa kinakabit na cable line sa kahabaan ng Don Manuel Avenue nang aksidente nitong nahawakan ang talop na linya ng kuryehte.
- Latest