^

Probinsiya

Sa PDEA drug operation.. Mag-tiyo huli sa P6.5-M shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ilocos Provincial Police Office  ang may bultu-bultong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.5 milyong halaga mula sa arestadong  mag-tiyo  sa Tagudin,  Ilocos Sur.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay nakila­lang sina Antonio Ugay, Jr., 37-anyos at  Genarro Talino, 69-an­yos, pawang taga Quezon City.

Bago nahuli  ang mga suspek, may tatlong buwan umano silang tiniktikan ng PDEA operatives makaraang  malaman na ang mga suspek ang supplier ng ilegal na droga sa La Union, Pangasinan at sa Baguio City.

Sinasabing nagkakaha­laga ng P7,000 hanggang P10,000 ang presyo ng kada kilo ang naibebentang shabu ng mag-tiyo.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang M-16 armalite rifle bukod sa naturang illegal na droga

Takdang kasuhan ng pag­labag sa Comprehensive Drugs Law ang natu­rang mga suspek.(Angie dela Cruz)

ANTONIO UGAY

BAGUIO CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS LAW

GENARRO TALINO

ILOCOS PROVINCIAL POLICE OFFICE

ILOCOS SUR

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with