^

Probinsiya

Cotabato kidnap-for-ransom king timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasakote na ng mga awtoridad ang hinihinalang pinuno ng kilabot na kidnap-for-ransom group sa lungsod ng Cotabato.

Pinangalanan ni Chief Superintendent Lester Camba, Police Regional Office 12 director, ang suspek na si Khadaffy Guiamelon na nahaharap sa dalawang kaso ng kidnapping.

Nadakip si Guiamelon sa kanyang bahay sa kalye ng Pansacala, Barangay Rosario Heights 10 kahapon.

Nagsanib puwersa ang Anti-Kidnapping Group, Special Action Force, Koronadal City Police Station, South Cotabato Police Provincial Office at Cotabatao City Police Office upang madakip ang suspek.

Dalawang arrest warrant ang inilabas ng Branch 14 at 15 ng Cotabato City Regional Trial Court laban kay Guiamelon.

Samantala, sa grupo rin ni Guiamelon itinuturo ang panloloob sa Agencia Brillantes Pawnshop sa lungsod ng Koronadal nitong Setyembre 18, kung saan dalawang security guards ang nasawi, habang apat ang sugatan.

Kasalukuyang nakakulong sa Cotabato City police si Guiamelon.

vuukle comment

AGENCIA BRILLANTES PAWNSHOP

ANTI-KIDNAPPING GROUP

BARANGAY ROSARIO HEIGHTS

CHIEF SUPERINTENDENT LESTER CAMBA

COTABATAO CITY POLICE OFFICE

COTABATO CITY

COTABATO CITY REGIONAL TRIAL COURT

GUIAMELON

KHADAFFY GUIAMELON

KORONADAL CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with