^

Probinsiya

48 barangay sa Bulacan lubog sa baha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apatnapu’t walong barangay mula sa anim na bayan at dalawang lungsod sa lalawigan ng Bulacan ang lumubog sa baha bu­nga ng hagupit ng bagyong Mario, ayon sa ulat kahapon.

Sa datus ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kabilang sa mga binaha ay 11 barangay sa Mey­cauayan City, anim mula sa San Jose del Monte City, walo sa bayan ng Calumpit at tig-pito naman mula sa mga bayan ng Sta Maria at Obando, anim sa Marilao at tatlo naman sa bayan ng Bocaue.

Nabatid na nagpalabas ng tubig ang Bustos dam at Angat dam na nagdulot ng pagbaha sa lalawigan matapos itong umapaw na.

Samantalang maging ang mga bayan ng Norzagaray, Bustos, Baliwag, Balagtas at lungsod ng Malolos ay nakaranas din ng mga pagbaha dakong alas-10 ng umaga nitong Sabado.

Pinakagrabe namang naapektuhan ng pagbaha ay ang lungsod ng Meycauayan; mga bayan ng Marilao, Calumpit at Bocaue na umaabot sa dalawa hanggang apat na talampakan ang baha.

Personal namang pina­ngunahan ni Bulacan Go­vernor Wilhelmino Alvarado, Chairman ng PDRRMC ang pag-ayuda sa mga binahang residente ng Bulacan.

Naitala naman sa 2, 562 pamilya o kabuuang 12,786 katao mula sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue, Baliwag, Bustos, Norzagaray, Balagtas, Obando, Calumpit at mula sa mga lungsod ng Meycauayan at  San Jose del Monte ang inilikas sa ligtas na lugar.

BALAGTAS

BALIWAG

BAYAN

BOCAUE

BULACAN

BULACAN GO

CALUMPIT

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with