^

Probinsiya

3 katao nilitson ng amo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasusunog na ang mga paa sa nagbabagang uling nang masagip ng rescue team ang tatlo katao kabilang ang dalawang binatilyo matapos na iginapos sa sinindihang litsunan ng may-ari ng isang poultry farm sa Brgy. Patalon, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang mga nailigtas na biktima na sina Jermiz Santiago, 15; Reynante Tug, 15 at Marvin Ustalan, pawang mga trabahador sa poultry farm ng suspek na negosyanteng si Kenneth Macrohon.

Agad namang isinugod sa Labuan Public Hospital ng mga barangay tanod ang mga biktima upang magamot ang pagkalapnos ng paa ng mga ito sa nagbabagang uling.

Sa ulat, sinabi ni Ins­pector Dahlan Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9, bandang alas-7:30 nang magresponde sa lugar ang mga elemento ng pulisya matapos na makatanggap ng report sa tatlo kataong nililitson nang buhay sa lugar.

Samantalang bago pa man dumating sa lugar ang mga pulis ay agad na kinalagan ng mga barangay tanod sa pagkakagapos ng electric wire ang mga biktima na isinalang ng patayo sa litsunan sa nasabing poulty farm bago pa man tuluyang malitson ang mga ito.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ang tatlo ay kinastigo ng may-ari ng poultry farm na si Macrohon na pinagbibintangang nagnakaw umano ng kaniyang patuka sa mga alagang manok.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

DAHLAN SAMUDDIN

JERMIZ SANTIAGO

KENNETH MACROHON

LABUAN PUBLIC HOSPITAL

MARVIN USTALAN

POLICE REGIONAL OFFICE

REYNANTE TUG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with