Nene nadale sa clan war
MANILA, Philippines – Isang 4-anyos na nene ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa palitan ng putok ng magkalabang angkan sa Barangay Pedtad, bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Major Dante Gania, Public Affairs Officer ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas-11 ng gabi nang magpalitan ng putok ang magkalabang angkan nina Commander Nayang Timan, Commander Gafur laban sa grupo ni Commander Mantawil ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Ang palitan ng putok ay tumagal ng 10-minuto na ikinasugat ng biktimang si Aniza Hassan habang nagsilikas naman ang 37 pamilya para di-maipit sa bakbakan.
Ang 37 pamilyang nagsilikas ay pansamantala namang nanuluyan sa Pedtad Elementary School sa nasabing barangay.
Nabatid na matagal ng may matinding alitan ang magkalabang angkan na nagsasalakayan at sa tuwing magpapanagpo ay nagbabakbakan.
Patuloy naman ang monitoring ng tropa ng pamahalaan sa magkalabang angkan upang mapigilan ang posible ang pagdanak ng dugo.
- Latest